Sunday, May 23, 2004
BATO
(kay Tasha)
Hindi mo ko naiintindihan.
Ang akala mo,
ikaw lang ang lumuluha,
ikaw lang ang nasasaktan.
Ang iniisip mo, dahil
babae ka, ikaw lang ang
may kahinaan.
At ako, dahil ako ang lalake,
ako ang pader na
hindi nabubuwag
at walang kakayahang
lumuha.
hindiā¦
Hindi na talaga
tayo magkakaintidihan.
Dahil hindi mo ko
makikitang lumuluha...
hindi mo ko makikitaan
ng kahinaan.
Dahil ako...
ako ang
pader
na matigas
at gawa sa
BATO.
In my room, 12:00 am
(03/23/03)
Comments:
Post a Comment