Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Sunday, May 23, 2004

Isang Umagang Gumising Ako Mula sa Gabing Hindi Natulog

 

(para sa dakila kong insomia)

Mulat akong nananaginip
sa pagkagat ng dilim
at paghimbing ng liwanag.

Pero, ang mainit na sigaw
ng umaga ay umaalingawngaw
sa pagdating ng Haring Araw…

At sa loob lamang ng ilang sandali,
ang kanyang ngitingit
ang siyang magpapatulog sa ‘kin.


In my room, 2:35 pm
(07/26/03)

Comments: Post a Comment