Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Sunday, May 23, 2004

Minsang Nagtimpla Tayo ng Kape

 

Medyo natabangan ka
kaya dinagdagan natin
ng asukal.

Para naman lumapot,
kahit para sa ‘kin ay tama na,
nilagyan pa natin ng kondensada.

Pero, napansin ko na lang
na parang nawalan ka na ng gana.
Sabi mo, ang kape’y lumamig na.

Kaya sa huli,
mag-isa na lang akong uminom
ng kapeng sabay natin tinimpla.


LSGH
(2001)

Comments: Post a Comment