Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Sunday, May 23, 2004

Narinig Ko ang Boses Mo Kanina

 

(isang buwan pagkatapos mong magpaalam)

Kanina,
habang magkausap tayo,
naalala ko ang lahat
ng pinagdaanan natin
noong tayo pa.
Lahat dumapo sa isip ko—
saya, hirap,
pati mga away.

Pero,
ramdam sa tono ng pagsasalita mo
na malungkot ka rin.

Ang hindi mo lang alam—

kanina,
habang nagkukwento ka,
ako…
umiiyak na
sa
kabilang linya.


In my room, 8:54 pm
(07/20/03)

Comments: Post a Comment