Sunday, May 23, 2004
Para sa Tindera ng Ibay’s Silverstore
Nung isang taon,
bumili ako ng singsing
sa inyo.
Naisip namin ng
girlfriend ko,
panahon na para
bigyang tibay namin
ang aming relasyon.
Dahil wala naman
akong pera noon,
isang pares ng silver
na lang ang binili ko,
dito nga sa shop n’yo.
Natuwa ako nung ipinagmalaki
n’ya ang mumurahing singsing.
Dagdag pa nya, hindi
na kami mapaghihiwalay ng
kahit anong problema
dahil nga may singsing na.
Pero kagabi lang, naghiwalay kami.
Masakit syempre.
Naisip ko tuloy, sana pala,
may one year warrantee
ang shop n’yo para
sa mga depektibong
magsyota.
E ‘di sana man lang,
nabawi ko yung
limang daang
pinambili ko ng
isang pares ng singsing dito.
Nakatipid pa sana ako.
In my room, 12:56 am
(04/05/03)
Comments:
Post a Comment