Sunday, May 23, 2004
Paumanhin ng Isang Nagmamahal
(para sa isang kaibigang musikero na biglang naging sekyu sa bangko)
Pasensya ka na, Mahal,
kung sa paggising
mo mamayang umaga
ay punit na kumot
na lamang ang
kayakap mo;
at ang bakas na lang
namin na makikita mo
ay mga natuyong
patak
ng
luha
sa liham na to.
In my room, 1:02 am
(10/24/03)
Comments:
Post a Comment