Saturday, May 29, 2004
sana lang naisip nyo
sana lang naisip nyo
na porke hindi nyo ko
naririnig na nagrereklamo
o nakikitang nagdadrama...
hindi ibig sabihin nun
ay nagdiriwang na ako
at wala nang problema
sana lang naisip nyo
na kaylangan ko ren
ng masasandalan,
ng matatakbuhan,
ng karamay,
ng kainuman.
sana lang naisip nyo
na tanga akong
naniniwala na
mga tunay
kayong kaibigan.
sana lang naisip nyo
na tulad nya...
hindi ko 'to kayang
mag-isa.
pero wag na.
hindi ko na naman
kaylangan ng kaplastikan.
magsaya kayo
kung nasaan man kayo.
pero sana, naisip nyo rin naman ako.
In my room, 1:31 am
(05/28/04)
*****
pasensya na. bad trip lang.
Comments:
Post a Comment