Sunday, May 23, 2004
Senior Citizen
darating ang panahon na:
ang balat natin
ay kukulubot,
ang katawan natin ay
madali nang mapapagod,
ang ngipin natin ay
isa-isang maglalaglagan,
ang buhok mo ay
puputi at ang akin naman
ay ninipis hanggang sa maubos,
at ang galaw ng mundo ay
magmimistulang isang mabagal
na palabas na lamang sa telebisyon.
darating din ang panahon na
kakailanganin nating magpaalam
sa isat’t-isa…
dahil ang buhay, ayon sa marami,
ay dapat umikot—
may lilisan, may uusbong.
pero matagal pa bago mangyari ‘yun.
dahil ikaw ay tatanda na kasama ko…
ako ay tatanda na kasama ka.
at sisiguraduhin ko,
na pagdating natin sa edad sisenta,
magsisiping tayo hanggang umaga!
In my room, 1:15 am
(04/19/03)