Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Sunday, May 23, 2004

superman

 

palipad akong naglakad
kanina
papunta sa tindahan.

bumili ako ng pang-merienda:
tatlong hansel
at isang malaking bote ng pop.

nagmadali akong lumipad
pabalik sa bahay.

habang nakalutang,
kinain ko na ang hansel
at ininom ng pop.

humiga ako sa ere
para magpahinga.
binuksan ko
ang tv...
nagpalipat-lipat ng channel.

ganito na ‘ata ako palagi.

tuwing maalala kita,
automatic na umaangat ako
pataas, palutang
papunta sa langit
at hindi na muling
hahalik sa lupa.


In my room, 11:25 pm
(12/26/02)

Comments: Post a Comment