Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Monday, September 20, 2004

Ang Pagbabalik ng Ulan

 

I
Lakas loob akong
humalik sa lupa
at nagpagpag ng
maruming kasuotan
para takasan ang
mga pangungutya ng
aligagang amihan.


II
Pero may
masamang hangin
na tuwi nang
bumabalik;
ginagayak nyang
pilit ang mga bagay
na dapat nang
naglaho kasabay ng
huling pagtangis
ng tag-ulan.


III
Napapakamot na lang
ako ng ulo at
patuloy na mag-aalay
ng itlog para matigil na
ang bagyo.


Philcoa
09/20/04


*****

sabi nila, epektib ang pag aalay ng itlog para umaraw. sana nga.