Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Friday, October 22, 2004

para kay utol

 




alam mo na mahal na mahal ka namin. si papa, mama, ako.

ikaw ang baby ng pamilya. bunso ka kasi. ewan ko kung alam mo kung gaano ka ka-swerte. lahat ng pag-aalaga na pwede naming ibigay, natanggap mo.

siguro hindi mo na naaalala yung mga ginawa mo nung bata pa tayo. ayaw mong pumasok. naglulupasay ka 'pag iniiwanan ka ng yaya mo sa classroom. gusto mong umuwi na agad. pagdating mo ng bahay, parang kinula sa putik yung uniform mo. walang nagawa si mama kundi pagpahingahin ka na lang muna. tutal naman bata ka pa. four years old ka lang ata nun. cute na cute. mestisahin. nakakapagtaka kung paano naging ganyan kulay mo ngayon. sabi ni mama, laro ka raw kasi ng laro sa labas ng bahay dati. pero buti na lang, may sabong papaya. may pag-asa ka pa.

nung umaalis na si papa, parang naging tatay na rin ako. at nun ding umalis na yung kasama natin sa bahay, ako na pati ang naghatid-sundo sa 'yo kasi malapit lang naman ang bahay natin sa school. pero, hindi ko ata nagampanan ng maayos yung dalawang role. hindi ako naging ganun ka-ok na kuya. lalo namang malabo na pumasa ako sa pagiging ama.

mga kalimitang laro natin nun kundi batuhan, tadyakan o kaya wrestling. wala na kasing iba kundi ikaw. ikaw lang ang napagtitripan ko 'pag gusto ko ng larong kanto. naiisip nga natin nun, sana may utol pa tayong isa. pero sa totoo lang, masaya na ako na tayong dalawa lang. at least wala kang kaagaw sa kakulitan ko.

puro away din tayo nun. sigawan. halos araw araw.

pero ano pa man, alam mong parte lang yun ng pagiging bata natin.

lumaki kang mahiyain, mataray, matapang, matampuhin, topakin, simple, masipag, maalalahanin, malambing, mabait, at syempre, maganda. para sa amin, ikaw ang pinakamaganda. pero 'di ko na sasabihin dito na nanalo ka sa isang beauty contest nung high school tsaka naging ms. something ka rin nung college. wag na. baka kasi sabihin mo pinagkakalat ko pa.

nung nag-college ka na nga, ginawa mo na akong driver at minsanang delivery boy. pero ok lang yun. katwiran ko, mas ok na yun kesa kung sino sino pa ang sumundo sayo. mahirap na.

at nung grad ball naman namin, wala akong date. buti na lang sinamahan mo ko para naman hindi ako magmukhang gago. salamat ng marami.

salamat din sa pag-aalaga mo kay mama dahil halos lagi akong wala sa bahay. ikaw rin ang nagluluto; kasi si mama, minsanang wala sa tamang timpla yung panlasa. alam mo naman kung gaano ako katamad sa gawaing-bahay. salamat talaga.

at nang minsan naisipan mong magtrabaho. syempre, masaya ako. proud kuya. kaya kahit gawin mo akong driver sa dis oras ng gabi/umaga (actually nakakalito na kung gabi o umaga kasi iba-iba), ok lang sa akin. hindi naman uso tulog sa akin, e. at nung unang sweldo mo, salamat sa chef d' angelo. masarap ang pizza at pasta. pramis.

at ngayong madadagdagan ka pa ng isang taon, sana makita mo na ang mga bagay na talagang makakapagpasaya sa 'yo.

pero hangga't wala ka pang ginagawa, kung saan mo man gusto pumunta, andito lang ako: ang kuya mong driver/ang driver mong kuya.


In my room, 9:00 am
(10/220/04)