Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Monday, November 22, 2004

house of lights

 

ayaw ko na sana magpasko.

hindi ako mahilig
sa christmas lights.

malaking aksaya sa kuryente ang mga kumukutitap na bombilya na nakasabit sa dingding, sa mga halaman, sa bakod. isang iglap lang, pwedeng magkasunog. mangdadamay ka pa kung aabot yung apoy sa bahay ng iba.

nasisikipan ako
'pag may christmas tree.

bad trip ang malaking puno sa loob ng bahay. kung anu-ano pa ang nakasabit. wala namang kwenta. panggulo lang.

hindi ako fan
ni santa claus.

wala akong tiwala sa isang matabang lalaki na balbas sarado at mahilig sa mga bata. parang pido ang dating. may dalang laruan at tawa lang ng tawa. kulang na lang, video camera at chocolates galing amerika.

hindi ako kampante sa
mall tuwing pasko.

masyadong maraming tao. magulo. mabaho pa minsan. maraming mandurukot. magastos.

hindi ko trip
ang christmas parties.

puro gastos. plastikan. minsan mapipilitan ka pang magreregalo sa taong kinaiinisan mo. exchange gifts kunwari. bibili ka ng mahal; matataggap mo naman, kundi picture frame, photo album. halos endless cycle yan, e. kung ano niregalo mo, yun din ang matatanggap mo.

kakainis yung mga namamasko
na may dalang envelope.

yung envelope nakakatakot. kung saang lupalop pa galing yan. merong galing sa mga basurero, mga tagapag-alaga ng imaheng umiiyak ng dugo, mga anghel at guro ng mataas na paaralan ng bundok apo. parang kaylangan mong maglagay ng malaking pera. hindi pwedeng barya kasi pasko raw. dapat marami kang pera. pero sa dami ng nag-aantay ng regalo at biyaya, maswerte na kung may konti pang matira.

ang pinakaayaw ko sa pasko:
malamig.

ilang taon nang malamig.


Lagro
(11/22/04)


*****

*me sings "give love on christmas day"*