Friday, January 07, 2005
Ako at ang Lupa ay Iisa
Kung ang paggising
ko bukas ang
kahuli-hulihang
pagkakataon upang
masilayan ang
kagandahan
ng buhay,
tatanggapin ko
to ng walang
agam-agam.
Kung bukas ay
hindi ko na
maisusuot ang mga
magarang damit,
matitikman ang mga
masarap na pagkain,
makakasalamuha ang mga
masayahing kaibigan,
at madadaanan ang mga
kalsadang noon
ko pa natapakan—
dahil akin nang
narating ang
huling hantungan—
magdiriwang pa ako
at magpapasalamat.
Ito'y hindi pamamaalam,
kundi isang pagbabalik.
Dahil ako at ang lupa ay iisa.
PSHS, 3:00 pm
(01/07/05)
*****
Mensahe ko sa sarili ko kung sakaling mamatay nga ako bukas.