Wednesday, February 16, 2005
Bintana
(kay lolo)
ang iyong mga mata,
maluha-luha.
pero hindi ka humahapis.
ang iyong mga mata,
umaawit ng mga tulang
hindi mo nasambit ni minsan
at ibinaon mo na lang sa lupa.
hinayaang mong sila ang
magsalita dahil binusalan
mo ang iyong bunganga
kahit alam mong malapit na.
malapit na malapit na.
ang iyong mga mata,
takot sa lupa.
pero hindi ka pa rin humahapis.
In my room,
(02/16/05)
Comments:
Post a Comment