Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Monday, February 21, 2005

Hubad

 

Sa pagkakatitig mo sa akin,
kulang na lang ako'y iyong hubaran.

Kung paano mo ako tingnan,
kung paano mo ako kausapin—
halos wala na akong maitago.

Habang magkausap
tayo kagabi, napansin ko,
unti-unti ka rin
palang naghubad habang
nakaharap sa akin.

Pakiramdam ko,
dahan-dahan mong tinanggal
ang iyong puting blusa,
itim na pantalon,
at manipis na panloob.
Pagkatapos nun,
pinatong mo sa mesa
ang mga tinanggal na saplot
at lumiyad ka palapit sa akin.

Dito ko na lang nakita,
may cleavage pala
ang iyong mga mata.
Malalim ang hati sa gitna
at may kung anong humihigop
sa akin, palusong sa
madilim na entrada.

Tumawa ka. Napalunok ako.
Pawisan ang mukha ko.
Malugay ang buhok mo.

Kagabi, sa pangungusap ng
ating mga mata,
ang hubad nating katawan
ay nagsayaw sa darang
hanggang umaga.


Pisay. 4:00 pm
(02/21/05)

Comments: Post a Comment