Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Monday, February 28, 2005

paano umibig ang isang makata

 

sa kanyang mga tula
hinahabi ang mga kwento
ng pag-ibig,
ng mga walang
katapusang pangako,
ng mga bituing pinitas,
ng buwang paulit-ulit
na umaawit.

sa kanyang mga kamay,
may bolpen, papel,
at isang dakot ng asin
na ibubudbod sa mata
ng dalagang maniniwala
sa tamis ng kanyang dila.

at muli,
ang makata ay magsusulat
tungkol sa pagtangis
ng kahuli-hulihang diwata
na kanyang sininta—
ang kanyang huling biktima.


QC, 11:30 am
(02/28/05)



*****


Pasintabi sa isang katsokaran nung unang panahon na may naisulat na halos ganito rin ang title.

Comments: Post a Comment