Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Sunday, February 13, 2005

Para sa Tula

 

May TULAAN ang #MAKATA (irc: undernet) sa LIKHA DIWA sa PEBRERO 25 na magsisimula sa ika-pito (7 pm) nang gabi.

Ang Likha Diwa ay matatagpuan sa UP Diliman, kalye CP Garcia. Kung kayo ay maglalakbay sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan, bumaba kayo sa Philcoa. Sabihin nyo lang sa tsuper ng berdeng tsubibo na may tatlong gulong na dalhin kayo sa Likha Diwa sa Krus na Ligas. Kung hindi pa rin nya alam, sabihin nyo na sa Sarah's ang inyong patutunguhan. Alam na nila yun. Katabi lang ng arko sa Krus na Ligas ang Likha Diwa. Dalawampu't apat na piso ang bayad kung kayo ay pa-espesyal, anim na piso naman kung kayo ay handang mag-antay ng ibang kasakay. Mapapalakad kayo ng onti dahil hanggang terminal lang yung berdeng tsubibo. Wag magpapaloko.

Ang mga tula ay may tatlong kategorya: Ingles, Filipino, bernakyular. Wala tayong tema na sinusunod. Ang mga tula nyo ay pwedeng tungkol sa kahit saan.

Kung nais nyo naman tumugtog, sabihin nyo agad nang maaga para mailagay kayo sa programa.


Paki tawagan o teks na lang ang 09198477472 (hanapin si Marc) o magpadala ng malupet na liham sa mga_makata@yahoo.com kung may iba pa kayong katanungan. Pakiiwan na rin ang inyong pangalan at numero para mahanap namin kayo.

Salamat.

Comments: Post a Comment