Wednesday, February 16, 2005
Rakista
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sinusulat ngayon. Ang alam ko lang, gusto ko mag-blog. Gusto kong magsalita, magkwento. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Parang may isang malaking karera ng mga ideya sa utak ko. Nag-uunahan silang lumabas. Lahat gustong umepal. Lahat gustong magpakitang gilas.
Pero sige. Subukan natin. Medyo magulo 'to kaya kung wala kang pasensya, mas ok pa siguro kung mag-friendster ka na lang.
Susubukan kong ilabas yung mga gumugulo sa utak ko. Pero tulad nga ng nasabi ko, magulo to. Trabaho. Pera. Si Lolo. #Makata. Likha Diwa. Mga tula. Stark-naked. Isang kumakatok na lalake. Isang tulang inawit sa sunken garden. Isang makatang tuliro. Isang magandang dalaga na apat ang mata. Kapuso. Isang panalangin sa isang saradong simbahan. Dalawang cheesecake. Si Ola sa tapat ng Malcolm. Close tayo. I know you but I don’t know you. I have a problem with trusting people. I don’t think I’m ready for this. You are intoxicationg. Nice. My Sassy Girl. A Very Long Engagement. Sugarfree. Stonefree. Mga taga Litex sa Fair. Mga Metallica shirt. Fake chucks. Smelly armpits.
Tapos, sa Fair may nagtanong:
Lalaki: Di ba pag nakikinig sa rock music, tawag natin dun rakista?
Babae: Oo. Yun ang term nila, e.
Lalaki: E di para na rin nating sinabi na ang mahilig manood ng karate ay karatista at ang mahilig magpamasahe ay masahista?
Anlabo.
Rakista. Karatista. Masahista.
In my room, 12:25
(02/16/05)