Tuesday, March 08, 2005
Baro't Saya
Mahal, 'wag mong aakalain
na sa ating pagsasama
ay puro pagsang-ayon lang
ang iyong dapat gawin.
Hindi ekslusibo
ang pantalon sa akin,
at hindi kailangan laging saya
ang iyong susuutin.
Hahayaan kitang gawin
ang iyong mga ninanais
tulad ng iyong pagpaparaya
sa aking mga kagustuhan.
At kung ang pagpapalit ng damit
ang s'yang magpapasaya sa'yo,
ipapahiram ko pa pati bigote ko.
PSHS, 11:00 am
(03/08/05)
*****
Naisulat ngayong Araw ng Kababaihan.
Comments:
Post a Comment