Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Monday, May 09, 2005

Bilog ang Mundo

 

Pagsapit ng gabi,
inumin mo ang mga alak ng panaginip,
at bumiyahe patungong langit:
(‘wag kakalimutang sumaludo
kay San Miguel )
paikutin ang ulo,
hayaang sumayaw ang mundo.

At bago pa man umiyak ang umaga,
sumungkit ka ng halik kay eba—
kahit kanina mo lang s’ya nakilala.

Lagi mo lang pakaiisipin,
alak lang yan.

Bukas, ibang bote naman.
Bukas, ibang eba naman.


In my room, 3:30 am
(04/27/05)

Comments: Post a Comment