Wednesday, June 08, 2005
Himbing
Matalim ang bawat patak
ng huling ulan ng Mayo.
Tila isang daang libong karayom
na dali-daling tumagos sa puso
ng masugid na manunuyo;
at marahang nakipagsayawan
sa mga luha at dugo,
lumangoy sa karagatan
ng bato at semento;
at nagdiwang sa pag-usbong
ng mga itim na rosas
na hitik sa tinik
at may amoy na mabaho.
St Scho, 3:00 pm
(06/08/05)
Comments:
Post a Comment