Thursday, June 30, 2005
kung bakit ako nahilig sa tula ang kung anu-anong anik-anik
Anniversary kasi ng Pinoypoets kaya lahat kami sa grupo ay nagdiriwang. Masaya ang kinahantungan ng aming poetry reading gig. Pero hindi ko muna ikukwento yun. Masyadong mahaba ang gabi. Lunod pa ako sa galak.
Ito na lang. Ito yung sagot ko sa yahoogroup namin tungkol sa aming pagsisimula sa pagtula. Medyo korni to kaya kapit kayo ng konti. O kaya, lipat na lang kayo sa ibang blog. Salamat.
*****
Tulad ni Kiko at siguro ng iba na rin sa inyo rito, pakiramdam ko, isinalba ako ng tula.
Late na ako nahilig sa pagbabasa at pagsusulat ng tula. College na.
Hindi naman kasi ako writer. Ang gusto ko lang nun ay tumugtog ng bongos/drums at magdrowing at tumambay. Wala dati ang tula.
Tapos ayun, tulad ng ibang korning nilalang, pumasok ang tula dahil sa biglaang heartbreak. Wala akong mapagkwentuhan. Walang masabihan. Hindi kasi ako tulad ng iba na makwento pagdating sa mga ganung bagay. Hindi rin naman ako manginginom nun kaya wala akong venue para magpakasawi.
Taena kaya puro cheesiness ang tula ko. Puro pa-cute. Kasi puro emosyon lang. Pero masaya ako sa mga tula ko kasi run ko lang naisisigaw ang mga gusto kong sabihin ng walang nagrereklamo o nagtatanong.
Masaya ako sa tula. Parang isang asawa. Siguro nga matagal na akong kasal sa tula. Asawa ko na ang tula. Masarap makipagseks sa tula. Maraming posisyon ang pwedeng gawin. Nagsisimula sa foreplay, natatapos sa halos spiritual na orgasmo. At ang isa pang maganda, pwede kong ipabasa sa iba kung paano ako nakipagseks sa tula. Hindi nakakahiya. Hindi bastos. Sobrang kinky.
Kaya natawa ako nung una akong nagpakita sa PP (poetry reading sa Ortigas nung Pebrero) at ipinabasa sa akin ang tula ni Lolo Pablo Neruda. Pakker kasi, kahit hindi naman ako heartbroken, tuwing mababasa ko yun, parang gusto kong maglaslas at tumalon sa ilog.
Kaya ang sagot ko sa inyo nun, isang naghuhumindig na midel pingger. Oo. Para sa inyo yung midel pingger na yun. Tarantadu kayo. Lahat kayo. Kasi nakita ko kayo sa wakas. Mga taong korni. Mga taong minamahal ang tula na tulad ko (o higit pa).
At sa pagbabasa ko nun ng tula ni Lolo Pablo, naisip ko: ayus to, may mga kasama akong gago.
Ako'y tutula, mahabang-mahaba.
St Scho, 5:30 pm
(06/30/05)