Thursday, September 08, 2005
Puwet of the Nyu MIlenyum
Sabi sa akin ng isang kaibigan nung kolehiyo, magsulat na lang daw ako ng fairy tale. Isang euphemism yun; pasaring sa kabobohan ko sa metapora. Sa iyo, tsong, isang masigabong palakpak (at isang round uli ng alak) para sa pagkakabingwit mo ng pangalawang banggit sa sanaysay sa Gawad Palanca ngayong taon. Pangalawa mo na 'yan. Naniniwala ako na may susunod pa.
Ako, hindi na siguro magkakaron nyan. Huling award ata na naiuwi ko e yung Best in Science at Best Scientific Reaserch nung first year high school. Pakiramdam ko nun, ako na ang pinakamagaling na scientist sa paaralan namin kasi tinalo ko silang lahat sa Science Fair gamit ang naimbento kong automatic fish trap. Sa pangalan pa lang, alam nating malupit na. Tapos ayun, nung nasa division level na, nasira yung malupet na imbensyon sa araw mismo ng exhibit. Ayus lang kasi andaming magaganda nun sa Rizal High School. Freshman lang ako pero sobra akong natuwa sa mga fourth year nila.
Tsamba lang talaga yun, kasi ako na ang pinakabobo sa klase pag-abot namin sa Chemistry at Physics.
Hindi na rin ako nanalo sa kahit anong pa-contest at lalong hindi ako pwedeng magkaron ng academic award nung kolehiyo dahil sa katamaran ko mag-submit ng paper.
Pero minsan, nakatsamba ako ng isang turbo broiler sa christmas party ng dati kong trabaho. Pag-uwi ko sa amin, sabi ko kay ermats, binili ko yun sa SM. Dyolog ampotah.
Tapos ngayon, eto.
Nung nakaraang Hunyo, may sumabit sa isang antolohiya ng mga tula.
Nung nakaraang buwan naman, may na-feature na tula sa Emanilapoetry.
At ngayon, Puwet of the Month daw ang Unggoy sa Pinoypoets.
Maliit na bagay lang ang mga yan kumapara sa mga bigtime na pa-contest at silang mga bigtime din ang nananalo.
Masaya na ang Unggoy sa mga maliliit na pagkakataon. Hanggat nakapagbabahagi ng tula para sa mga mangingibig at hindi pa nakakaranas umibig, ayus na.
Isa lang naman ang natutunan ko sa pagpupumilit na maging makata o kung ano man ang tawag dito: ang Tula ay nanatiling Tula. Mapaublish man o hindi. May award man o wala.
St Scho, 10:00 am
(09/08/05)