Profile, 
2005

[ picasso sellout ]

Monday, March 24, 2008

Finally, a star-studded sky.

 

After decades of not posting anything, I've lost my access to Pansitan and the original Picassosellout addess has been stolen.

I've moved to a new home.

There's nothing in there yet. But yeah, I'm back.

Monday, January 30, 2006

Spoliarium

 

I did what you told me.

I slowly removed my shirt
like how you always wanted—
as unhurried as the sun rising:
bit by bit.
crawling—
from my torso—
to my shoulders—
up to my arms.

You ran your fingers
on my chest,
and you lingered on the
convexes of my skin—
pressing,
sailing gracefully
like satin sheets
on my warm
sweaty body.

Your hands fell
and paused as you reached
a dark corner—
grandstanding was the mountain
that raged at your presence.

As still as the shadows
—you—
who glowed splendidly
in this darkness,
stared longingly
at the monument before you.

“Good lord,” you whispered.

With such great devotion,
you worshipped the icon
that stood gloriously—
from summit to foot.

You firmly gripped
your earthly idol—
as your lips
opened and closed,
touched and kissed,
throbbed and rubbed
of what seemed to be
a totem of great men
put altogether.

My body trembled
as waves and waves
of blood surged
underneath the
mighty flushed flesh
that you've kissed
in an eternity.

As you ended your prayer—
your head still bowed,
your knees still bent,
your icon still clasped
between your hands—
you moaned your songs
and called all the saints.

Whereas I, sang the psalms
and exploded like a volcano.


In my room, 1:30 pm
(01/30/06)

Friday, January 06, 2006

17 hours in the office and my Lolo still sleeps

 

a stone thrown in my direction
hit my head.

blood
flowed like Ganges—
its water breathed fire.

the thud against my skin
was a momentary song
played in an old 45—
almost musical—
a serenade
that never hit
a perfect tune.

Ganges took me away
and I burnt with its waters
while I bled
and sang
and prayed

for stones
to throw
and blood to flow.


Teletech, 4:10 pm
(01/06/05)

Wednesday, January 04, 2006

Pagtawid

 

“Marc, uwi na patay na lolo mo.”

Limang minutong paglalakad hanggang parking. Kaya. Baka umabot pa. Pero parang bigla atang lumayo. Puta. Hindi naman mabubuhay yung matanda kahit ano pang karipas ko.

Patay na nga raw. Malinaw na sinabi ni Ermats sa telepono. Patay na si Lolo.

Putang-ina ang tagal ko talagang nilakad ang SM. Forty-eight years.

Pagdating sa parking, ayan sinagot na ni Beaks ang telepono. Napuwing ata ako. Naramdaman ko na lang na medyo namasa ang mata ko. Putang-ina kasing parking lot yan. Maalikabok.

Ibang klase ang init sa loob ng kotse. May aircon naman.

Puta, matrapik.

Pero kahit kumaripas pa tong kotse, patay na nga.

Patay na, unggoy. Ngayon ka pa nagmadali, hayup ka.

Putang-ina ang init talaga.

Tuwing dadalaw ako kila Lola, gatas ang gustong padala ni Lolo. Biro ko pa kay Lola, bakit ko pa bibigyan si Lolo e wala naman nang kilala. Kahit asawa nya, hindi nya na kilala. Kapag nakikita nya nga kami, nagugulat, natatakot.

May laging banat si Lolo.

“Sino kayo?!”

Dilat na dilat pa mga mata. Parang iiyak na sa takot.

“Lo, si Marc po to. Apo nyo kay Letty.”

“Sinong Letty”

“Lo, anak nyo.”

“Asan na nanay?”

“La, hinahanap na kayo ni Lolo. Nagugutom na ata.”

Hindi kami kilala. Noon pa. Ayaw nya sa tao. Laging gulat. Si Lola lang ang kilala. Nanay pa ang tawag.

Ayaw na rin nyang tumayo. Laging nakayuko sa kama. Masakit daw kapag humilata.

“Lo, bakit hindi kayo humiga ng maayos?”

“Sakit.”

“Saan po, sa likod nyo?”

“Oo. Hindi galaw. Sakit.”

Si Lola, matibay. Tagapaglinis nya ng katawan at kung ano mang dumi sa kama.

”Lola, hindi na po ako nakabili ng gatas, e. Kagagaling ko pa lang po sa trabaho.”

“Ayus lang yun, apo. Basta huwag nyo lang kami makakalimutan ng Lolo nyo.”

“La, eto na lang po pera. Hindi na po kasi ako makakabalik. May trabaho pa ako bukas. Merry Christmas po uli.”

Putang-ina. Pera lang ibinigay mo, hayup ka.

Hindi naman maiinom ng matanda yang pera mo.

“Asan po si Mama?”

“Nasa taas. Andyan na Lola mo.”

“Alam mo na ba ang nangyari?”

“Opo.”

“Lola, kumain na po kayo?”

“Oo, apo.”

“Ma, aalis ba tayo? Asan si Lolo?”

“Nasa punerarya.”

“Ma, saang chapel ba ang burol?”

“Dito na lang anak. Di na kakayanin ng Lola mo.”

Gusto ko mang ipagpilitan na ayaw ko sa bahay, wala na akong nagawa. Baka biglang sumunod si Lola kung magkakasakit pa. Putang-ina na lang, di ba?

Nagmistulang altar ang harap ng bahay namin dahil sa bulaklak at kandila. Hindi ako kumportable pero andun na, e.

Para palang isang magarbong set-up sa entablado ang pag-aayus ng ataul. Nang hawiin ang kurtina, lumabas ang bida. Minsan na nya kaming tinakot at pinaligaya.

Ngayon, tinapos nya sa drama.




In my room, 4:00 pm
(01/04/06)

Monday, December 26, 2005

the world says hello

 

These are from my notebook. Since I've decided to blog again, I'm posting old works than have nothing here at all.

Now, tell me that you've missed me.


*****


I.
A classroom—
blades of grass
joyfully swaying.


II.
Glass breaks
on the floor,
weeps gently.


III.
Midnight moon
dances with stars—
sheer joy.


IV.
Noon wind sings
through willow trees,
burning leaves.


V.
Leaves fall down
on earthen bed—
bid farewell.


VI.
Plump budding breasts—
the world says hello.

Tuesday, November 08, 2005

running in circles, comet tails, science apart

 

After ages of sleeping and walking with my ass out, I've noticed that the walls in my room sometimes talk back and I can lick my balls for ten good minutes when I bend low enough just so my head's perfectly placed inside my pants.

Boredom is lousy partner in bed—just like any sorry-assed jobless loser on this planet.





In my room, 1:28 pm
(11/08/05)




I pay my respect to that little penguin lamp for providing me with good vibes without the hash.

Yes, good vibes without the hash.

Monday, October 03, 2005

Random

 

Swak to ngayon sa akin. Random. Trenta lang ang babakahin natin, mga tsong.

Kumapit kayo ng mabuti dahil sisimulan na ang paglilitis.

1. Mali talaga na nilaklak ko yung isang box ng gatas kanina. Hindi naman ako nag-almusal. Na-ebs tuloy ako rito sa Philcoa. Hindi ko na sasabihin kung saan dito. Jolog, e. Syet.

2. Lagi akong nasa ospital kasi lagi akong may sakit. Hindi tulad nun na tinatamad lang ako at kung anu-anong palusot ang ginagawa ko para maka-absent, ngayon kailangan ko pang lumaklak ng maraming paracetamol at antibiotics para lang huwag umabsent.

3. Matagal na akong hindi nakakatikim ng chocolate at ice cream.

4. Pagod na ako sa pagtuturo. Pinipilit ko na lang. Pero lagi kong iniisip, tapos ako ng edukasyon at ipagpapatuloy ko na lang ang grad school. Malupet ako dati sa classroom. Kahit hindi kalakihan ang kita, mabangis pa rin. Labs ako ng mga bata kasi panalo kami at may natututunan silang malupet. Pero ngayon, kahit anong gawin ko, wala na talaga. Patay na.

5. Miss na miss ko na ang mga dati kong anak sa Pisay.

6. Iniisip ko rin na konti pa. Baka kaya pa. Bahala na.

7. Taena Leader of the Band ang audio rito sa cafe. Mukhang gagu. Emote yung attendant.

8. Etong katabi ko, pervert ampotah. Nasa cafe tapos puro porn ang naka-open. Babae pa naman yung nasa kanan nya.. Hmmmm... Asian hotties.

9. Sabi ni Henry David Thoreau: "I went into the woods because I wanted to live deliberately. I wanted to live deep and suck out all the marrow of life ... to put to rout all that was not life; and not, when I came to die, discover that I had not lived."

10. Taena mo Thoreau.

11. Ano kaya ang buhay ko kung wala akong kamay? Walang pang-bonggos. Walang pansulat ng tula. Walang pang-hawak sa manibela. Walang pang-b*te. Malabo. (Tadu. Pang-bote yun. Huwag mo ko igaya sa'yo, manyak.)

12. Nagugutom na talaga ako. Kanina pa kumukulo ang sikmura ko. Kamusta kaya ang mga estudyante ko? Gutom na rin kaya sila?

13. Pagkatapos kong sumuka-suka nung Sabado, inaamin ko nang mahina ako sa Red Horse. Kahiya amp.

14. May mumu sa bahay namin. Kapag madaling-araw, nagpaparamdam. Kagabi, umungol at naglakad na naman sa sala patungo sa kusina. Dalawa kami sa bahay ang nakarinig. Rakenrol.

15. Ano na naman kaya ang sasabihin ng ermats ko kapag nalaman nya na gusto ko nang magpahinga sa trabaho? Magagalit kaya sya? Sasabihin na naman kaya nya yung classic lines na, "Sinabi na sa' yo, e. Ayaw na ayaw mong makinig sa akin. Ang tigas talaga ng ulo mo."

16. Si Ulan ang anghel ng buhay ko. Sana huwag s'yang magsawa.

17. Nabanggit ko noon sa isang kaibigan na aabot sa trenta y singko ang presyo ng petroylo bago matapos ang taon. Binabawi ko na yun. Dahil sa dami ng kaguluhang nangyayari, baka lumagpas pa ng singkwenta pesos ang gasolina.

18. Mukhang isang malanding matrona si Gloria pero ayaw lang nya aminin.

19. Ayon sa ilang katsokaran sa panulat, isa sa mga pinakamalaking hamon ng mga makata ng ating henerasyon ay ang pagpapamudmod sa mas malaking grupo ng mambabasa ang tula. Mabigat na kalaban ang napakaraming dibersyon na dala ng araw-araw na gawain at teknolohiya. Pero dagdag nila, pwedeng gamitin ang mga dibersyon na to para isulong ang tula. Tulad ng telebisyon. Kaya siguro napanood ko si Angelo Suarez na nagbasa ng tula sa Mel and Jay kahapon. Panalo.

20. Bigla akong na-excite sa Corpse Bride. Gusto kong makausap si Tim Burton kahit isang minuto lang.

21. Malapit nang matapos ang taon, wala pa ring malupet na bagyo. Hindi pa nasususpend ang klase sa amin. Syet.

22. Laging may naaaksidente sa Commonwealth. Kung ako kaya masagasaan at mamatay, magkano kaya ang ibibigay nung nakasagasa? Siguro ten thousand billion pesoses. Swerte ng pamilya ko.

23. Dito sa Philcoa, may ilang PC shop. Medyo mababagal yung iba. Mas ok ang mga cafe sa Anonas. May shop(s) na ang mga cubicle ay natatakpan lahat ng anggulo for privacy. Pero potaena, masangsang ang amoy ng ibang cubicle. Bakit kaya?

25. Saan ba ako makakahanap ng librong to? Yang libro na yan mismo.



26. Wala na kaming ginawa ng mga barkada dito sa amin kundi mag-DOTA. Puro na lang DOTA. Ay taena mali. Umiinom din pala kami minsan — pagkatapos naming mag-DOTA.

27. Ano ba ang depinisyon ng isang stalker? Pwede bang gamitin ang blog para mang-stalk? Ang sagot ko ay oo. Away, stalker. Away.

28. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa mga revived/rehashed na kanta? Katulad nyo rin ba akong sukang-suka sa MYMP at sa buong baranggay ng mga nag-uulit lang ng kanta?

29. Lagi na lang ako tumatakbo. Napapagod na ako. I need new shoes. Potek anlabo.

30. Matanda na erpats ko pero sumasakay pa rin sya sa barko. Taena ganito ata ang buhay sa Pinas. Kung gusto mong umunlad kahit papaano, lumarga ka palayo. Ang mga nanatili ay mamamatay na dilat ang mata. Dito ako mamatay pero ipipikit ko mata ko para cute.

Amen.


QC, 12:30 pm
(10/03/05)


Thursday, September 29, 2005

Binary

 

Sometimes, we just wish that life would have more color and we could just say our most endearing words in black and white.

But life blooms in black and white and we're too afraid to say anything and our most endearing words are just shit in the toilet.


QC, 1:30 pm
(09/29/05)

Wednesday, September 28, 2005

all for a day of Peace

 

Ito yung ilan lamang sa mga naki-peace mehn kasama ng Lahi Productions nung selebrasyon ng International Day of Peace, September 23 sa Kolumn Bar.

Ang Sruvaleh. Mapapanood nyo sila tuwing Ambahan (Martes) sa Penguin Gallery Cafe sa Remedios Circle.

Ang Sruvaleh pa rin. Malulupet ang mga batang yan.

Sila ang Triggerbliss. Malulupet na bata. Highly recommended sa mga mahilig sa guitar riffs na hindi kailangan ng solo kada kanta. Madalas daw ang mga yan sa Saguijo.

Yerbaguena. Their flamenco music is available on Wednesdays, Thursdays, and Saturdays at Casa Armas at the Poduim.

Ang Kalumad-Katribu Kolektib. Isang napakalupet na grupo ng ethnic musicians, artists / craftsmen, mountaineers, at dancers. Ibang klase. Pramis.

Kalumad pa rin. Nagsusupply din sila ng mga djembe at kung anu-anong gamit na etniko.

Ang Dahon. Hindi ako sigurado kung galing sila sa Baguio. Malupet din.

Ang ilan sa mga nakahabol na kasapi ng Pinoypoets. Isang malaking pasasalamat sa pagbasa ng inyong malulupet na tula. Apir, mga tsong.

Yan si Jo ng Ambahan. Magaling dumaldal sa harap ng maraming tao. Taas kamay.

Kung meron pa kayong gustong malaman tungkol sa Lahi Prod o sa mga musikero (gig sked, friendster profile) o sa mga makata na nagpakitang gilas nung IDP, kontakin lamang po si Ryan.


Malate, 8:30 pm
(09/28/05)


Thursday, September 15, 2005

Bangungot

 

Tila isang malawak na kapatagan na kinukubabawan ng walang katapusang kalungkutan ang aking matigas na higaan kapag wala ka. Tulad ngayon, ang bawat ihip ng hangin ay napakatalim at tumatangis ang katahimikang nagtatago sa dilim. Ang gabi, ang aking mortal na kaaway, ang s'yang naghahatid sa akin sa hukay. Dahil sa totoo lang, nakamamatay ang gabi kapag wala ka.


Boarding House, 2:04 am
(09/15/05)